Miyerkules, Oktubre 16, 2013
Gapang.....
Meron akong isang kaybigang babae. Maputi ang kanyang kutis,chubby,maganda ang ngipin,balbon ng kaunti, at hindi naman kataasan,ganyan ang kanyang itsura. Kung makikita nyo sya ewan ko na lang kung may masasabi pa kayo sa kanya. OO! Mabait din sya. ^^ Tubong bikolano din sya,iisa ang aming bayan,barangay at purok. Ang naaalala ko naging magkaybigan kami dahil sa pinsan nyang niligawan ko dati na sa sobrang gustong gusto ko NOON! :) Kaya ayon nong dalaw ako ng dalaw sa kanila dahil nakikitira yong pinsan nya sa kanila. Pero alam nyo hindi rin ako sinagot ng pinsan nya,ayon basted. Hanggang sa tumigil ako ng kakadalaw at naging kaybigan ko na lang sila. NAFRIENDZONE DRE!! Itong kaybigan kong ito,lumuwas ng Maynila para doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Pinagpatuloy nila ang pag-aaral nya ng 4th year high school sa manila,hanggang sa nakatapos at pumasok naman sa kolehiyo at natapos na din nya,oo! tapos na sya ng pag-aaral at kasalukuyang naghahanap na ng trabaho.
Ito na dito na magsisimula. Nong nakaraan friday the 13th ng setyembre lumuwas ako sa Manila,para magreport sa aking opisinang pinagtratrabahuhan. Umaga pa lang halos magkatext na kami at yon nga magkikita daw kami. Nong bandang tanghali nagkita nga kami at dinala ko sya sa aming apartment. Doon kami nagkwentuhan ng kung ano ano. OO! kami lang dalawa doon. Tapos nong sinabi nya na may dahilan daw ang kanyang paglalayas at pag-iinum minsan ng sobra. Doon ko sya pinilit na magkwento tungkol doon. Ganito pagkakasabi nya. "Ginagapang kasi ako ng Tito ko." GAPANG?
Hala!! OO Gapang nga ang narinig ko. Isang taxi driver daw ang kanyang tito at kapag umuuwi ito ay madaling araw na. Dahil nga ang layo ng kwarto nya na sabi nya ay nasa pinakadulo ng bahay ng tita nya. Sabi nya pa sa akin noon,kung bakit umalis ang nauna na nyang pinsan na tumuloy din dati kela tito at tita nya,dahil yong pinsan nya ang unang biktima kaya naman ng itoy makagraduate ng kolehiyo ay umalis agad sa poder ng tito nila. At ngayon sya na ang natira,sa kanya naman lumipat ang tito nya sa imoral na gawain.
GAPANG? nagigising na lang daw sya minsan na nsa kama nya sa tito nya at yakap yakap ang katawan nya. Try nyang sumigaw pero wala rin nagawa dahil pinagtakpan sya ng tito nya. Kaya ayon paulit ulit na nangyari at halos tatlong taon na itong ginagawa sa kanya ng tito nya.
Tinanong ko sya kung sinabi na nya sa magulang nya,ang sabi nya OO. Sinabi nya sa nanay nya pero hindi daw ito nakinig. Ayaw nya naman sabihin sa tatay nya dahil alam nyang mapusok ang tatay nya at hindi maipapaliwanag kung anong pwedeng gawin ng tatay nya pag nalaman iyon. Kaya dahil don paulit ulit ang pagsasamantala ng kanyang tito sa kanya. At lalong sumama kasi yong nakakabata nyang kapatid eh kasama na rin nya sa bahay ng mga tito nila para mag-aral rin ng kolehiyo. At kapag hindi sya nakakauwi ng gabi ay ang kanyang nakakabatang kapatid ang nagiging biktima. Lalong gumulo kaya kahit gusto na nyang umalis sa bahay na iyo ay hindi nya magawa dahil maiiwan ang kanyang nakababatang kapatid.
Bakit kaya may mga ganoong tao? Pagkatapos ng mga ilang linggo nagtext kami at yon! Sinabi nya sa akin na nakalipat na daw sila,kumuha daw ng boarding house na malapit sa school ng kapatid nya at doon sila lumipat. Hindi ko alam pero sa pagkakasabi nyang iyon,parang okay na ang lahat. Pero pano yon? Ganon ganon na lang nga ba? Hindi natin alam kong ano talaga nararamdaman nila.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sana humingi siya ng tulong sa Imbestigador... O kaya sa Tulfo brothers.
TumugonBurahinMalaking iskandalo kung nagkataon.
TumugonBurahin