Miyerkules, Pebrero 18, 2015
Disgrasya sa lusakan.
Pilit kong alalahanin pero di ko talaga magawa, kahit anong isip ko wala talaga akong makuha. Ganon talaga pag nalasing ka ng sobra.
Ikalabinlima ng Pebrero,umaga. Nagtext sa akin yong kagrupo ko sa samahan naming "REDHORSE CLUB". Ang "Redhorse Club" ay samahan nmin noong koliheyo pa ako na binubuo ng mga CHS Course noon,(Computer Hardware Servicing). Di ko matandaan pero nasa higit bente ata kami doon. Minsan lang kami magsama-sama simula noon makatapos na kami. Yon na nga nong umagang yon nagtext yong isang miyembro nmin,sabi ay inuman daw.
"mga padi cnung free mmya.?jam kla ezer after lunch,1pm sharp..magkarilimutan n raw pag hindi nkarating sbi ni jef haha"
Tapos nong nabasa ko yan,eh saktong aalis rin ako non at libreng libre ako ng oras na yon. Kaya naman napag desisyonan ko nman na pumunta. Pero hindi talaga ako saktong 1pm nakarating kasi may pinuntahan pa ako. Sakton naman don sa pupuntahan kong lugar ay nandon yon isang miyembro pa nmin,hanggang sa magkatxt kami na sabay na lang kami pumunta doon sa inuman. Nag motor na ako papunta sa Daet at nakipagkita na rin ako sa kasama ko. Nong makita ko siya inakit ko pa syang kumain sa 7/11. Pagkatapos naming kumain bumili kami ng alak,napili nmin yong Fundador Light sa halagang 214. At umalis na rin kami.
Bandang ika-apat na kami ng hapon makarating sa lugar na pag-iinuman nmin sakay ng aking motor. At yon nga nag-iinum na sila pero dalawa lang sila kaya nong dumating kami bale apat lang kami nag-inuman. Kwento dito kwento doon,shot dito shot doon. Tinanong din nila ako kung sumakay daw ako ng barko. Matagal tagal na din akong di nakakasama sa jam nila,mga dalawang taon na rin siguro. At dahil sa sobrang advance na ng mundo natin. Nandyan na ang facebook,at doon nga nila nakikita minsan ang mga picture kung nasa barko. Tinanong nila ako.
"Pre, sumakay kaba ng barko?"
Sabi ko naman.
"Hindi ah,bakit? doon ba sa picture ko sa facebook? Wala yon. Edited yon eh."
Hanggang sa naniwala naman sila. Pero di kalaunay,pinagtapat ko rin. Ipinagtapat ko na oo sumakay ako. At doon na nagsimula ang kwento sa akin. Hanggang sa dumilim na. Pinansin na nila yong tribal kong sombrero, sinukat nong isa sunod yong isa tapos yong isa. At sa kayabangan ko naman kinuha ko yong bag ko. Binuksan ko at inilabas ko pa ang jacket kong tribal. Don na nagsimula ang diskusyon kesyo hihingiin nong isa tapos yong isa yong bag ko na ang hinihingi sa akin. Madami dami na din kaming nainum pero iwan ko kami na yong huling dumating pero ako pa yong mapapasama pala mamaya.
Unang bukas ko ng mata ko at nahihilo hilo pa ako ay nasa hospital na ako pero ipinikit ko ulit sa sobrang kaantukan ko. Tapos mulat ulit ng mata nakita ko yong katabi kong lalaki nakahiga may sugat sa paa. Butas yong tuhod nya at kitang kita ko pa yong kaputian pero malabo ang pagkakakita ko. Pikit ulit at mulat ng mata nakita ko paa ko tumutulo ang dugo. Narining ko ang nanay ko na nagsasabing.
"Nurse pakilagyan nman ng benda tumutulo yong dugo"
Napapikit ulit ako napamulat naramdaman ko nasa loob na ako ng isang tricycle. Ginising na nila ako malapit na pala ako sa bahay namin,lumabas na ako sa loob ng tricycle at nag-appear ako sa kasama kong tatlo na kasama ko sa inuman. Sabay biglang uwi,pagkadating ko sa bahay nagbihis ako ng mabilis at humiga. Hindi ko alam kong anong oras non pero sabi nila nong kinabukasan ika labin-isa na ng gabi ako nakauwi non.
Ika-apat na ng umaga bigla na akong nagising,hinihipo ko yong mukha ko may benda ang baba ko. Di ko alam pero may sakit akong nararamdaman di ko mawari kung san nanggagaling. Bumangon ako at lumabas sa kwarto,binuksan ang ilaw at tumingin sa salamin.
ANAK NG PATING,NADISGRASYA AKO SIMPLANG SA MOTOR TO PANIGURADO. Meron akong benda sa aking baba merong sugat sa kaliwang bahagi ng aking mukha mula noo hanggang baba pati tainga,merong sugat sa kaliwang kamay at puro gasgas at meron din akong benda sa kanang paa at maraming dugo. Tinanong ko nanay ko kung anong nangyari,sinagot nya ako.
"Nagsimplang ka daw sa motor pero maigi at sa danawan lang. Tinahi yang baba pero maliit lang. Yang paa mo may butas yan kaya hindi tumitigil ang dugo pero maliit lang. Yong kasama mo okay lang naman daw gasgas lang sa kamay ang nakuha nya."
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)