Miyerkules, Pebrero 18, 2015

Disgrasya sa lusakan.

Pilit kong alalahanin pero di ko talaga magawa, kahit anong isip ko wala talaga akong makuha. Ganon talaga pag nalasing ka ng sobra. Ikalabinlima ng Pebrero,umaga. Nagtext sa akin yong kagrupo ko sa samahan naming "REDHORSE CLUB". Ang "Redhorse Club" ay samahan nmin noong koliheyo pa ako na binubuo ng mga CHS Course noon,(Computer Hardware Servicing). Di ko matandaan pero nasa higit bente ata kami doon. Minsan lang kami magsama-sama simula noon makatapos na kami. Yon na nga nong umagang yon nagtext yong isang miyembro nmin,sabi ay inuman daw. "mga padi cnung free mmya.?jam kla ezer after lunch,1pm sharp..magkarilimutan n raw pag hindi nkarating sbi ni jef haha" Tapos nong nabasa ko yan,eh saktong aalis rin ako non at libreng libre ako ng oras na yon. Kaya naman napag desisyonan ko nman na pumunta. Pero hindi talaga ako saktong 1pm nakarating kasi may pinuntahan pa ako. Sakton naman don sa pupuntahan kong lugar ay nandon yon isang miyembro pa nmin,hanggang sa magkatxt kami na sabay na lang kami pumunta doon sa inuman. Nag motor na ako papunta sa Daet at nakipagkita na rin ako sa kasama ko. Nong makita ko siya inakit ko pa syang kumain sa 7/11. Pagkatapos naming kumain bumili kami ng alak,napili nmin yong Fundador Light sa halagang 214. At umalis na rin kami. Bandang ika-apat na kami ng hapon makarating sa lugar na pag-iinuman nmin sakay ng aking motor. At yon nga nag-iinum na sila pero dalawa lang sila kaya nong dumating kami bale apat lang kami nag-inuman. Kwento dito kwento doon,shot dito shot doon. Tinanong din nila ako kung sumakay daw ako ng barko. Matagal tagal na din akong di nakakasama sa jam nila,mga dalawang taon na rin siguro. At dahil sa sobrang advance na ng mundo natin. Nandyan na ang facebook,at doon nga nila nakikita minsan ang mga picture kung nasa barko. Tinanong nila ako. "Pre, sumakay kaba ng barko?" Sabi ko naman. "Hindi ah,bakit? doon ba sa picture ko sa facebook? Wala yon. Edited yon eh." Hanggang sa naniwala naman sila. Pero di kalaunay,pinagtapat ko rin. Ipinagtapat ko na oo sumakay ako. At doon na nagsimula ang kwento sa akin. Hanggang sa dumilim na. Pinansin na nila yong tribal kong sombrero, sinukat nong isa sunod yong isa tapos yong isa. At sa kayabangan ko naman kinuha ko yong bag ko. Binuksan ko at inilabas ko pa ang jacket kong tribal. Don na nagsimula ang diskusyon kesyo hihingiin nong isa tapos yong isa yong bag ko na ang hinihingi sa akin. Madami dami na din kaming nainum pero iwan ko kami na yong huling dumating pero ako pa yong mapapasama pala mamaya. Unang bukas ko ng mata ko at nahihilo hilo pa ako ay nasa hospital na ako pero ipinikit ko ulit sa sobrang kaantukan ko. Tapos mulat ulit ng mata nakita ko yong katabi kong lalaki nakahiga may sugat sa paa. Butas yong tuhod nya at kitang kita ko pa yong kaputian pero malabo ang pagkakakita ko. Pikit ulit at mulat ng mata nakita ko paa ko tumutulo ang dugo. Narining ko ang nanay ko na nagsasabing. "Nurse pakilagyan nman ng benda tumutulo yong dugo" Napapikit ulit ako napamulat naramdaman ko nasa loob na ako ng isang tricycle. Ginising na nila ako malapit na pala ako sa bahay namin,lumabas na ako sa loob ng tricycle at nag-appear ako sa kasama kong tatlo na kasama ko sa inuman. Sabay biglang uwi,pagkadating ko sa bahay nagbihis ako ng mabilis at humiga. Hindi ko alam kong anong oras non pero sabi nila nong kinabukasan ika labin-isa na ng gabi ako nakauwi non. Ika-apat na ng umaga bigla na akong nagising,hinihipo ko yong mukha ko may benda ang baba ko. Di ko alam pero may sakit akong nararamdaman di ko mawari kung san nanggagaling. Bumangon ako at lumabas sa kwarto,binuksan ang ilaw at tumingin sa salamin. ANAK NG PATING,NADISGRASYA AKO SIMPLANG SA MOTOR TO PANIGURADO. Meron akong benda sa aking baba merong sugat sa kaliwang bahagi ng aking mukha mula noo hanggang baba pati tainga,merong sugat sa kaliwang kamay at puro gasgas at meron din akong benda sa kanang paa at maraming dugo. Tinanong ko nanay ko kung anong nangyari,sinagot nya ako. "Nagsimplang ka daw sa motor pero maigi at sa danawan lang. Tinahi yang baba pero maliit lang. Yang paa mo may butas yan kaya hindi tumitigil ang dugo pero maliit lang. Yong kasama mo okay lang naman daw gasgas lang sa kamay ang nakuha nya."

Miyerkules, Oktubre 16, 2013

Gapang.....

Meron akong isang kaybigang babae. Maputi ang kanyang kutis,chubby,maganda ang ngipin,balbon ng kaunti, at hindi naman kataasan,ganyan ang kanyang itsura. Kung makikita nyo sya ewan ko na lang kung may masasabi pa kayo sa kanya. OO! Mabait din sya. ^^ Tubong bikolano din sya,iisa ang aming bayan,barangay at purok. Ang naaalala ko naging magkaybigan kami dahil sa pinsan nyang niligawan ko dati na sa sobrang gustong gusto ko NOON! :) Kaya ayon nong dalaw ako ng dalaw sa kanila dahil nakikitira yong pinsan nya sa kanila. Pero alam nyo hindi rin ako sinagot ng pinsan nya,ayon basted. Hanggang sa tumigil ako ng kakadalaw at naging kaybigan ko na lang sila. NAFRIENDZONE DRE!! Itong kaybigan kong ito,lumuwas ng Maynila para doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Pinagpatuloy nila ang pag-aaral nya ng 4th year high school sa manila,hanggang sa nakatapos at pumasok naman sa kolehiyo at natapos na din nya,oo! tapos na sya ng pag-aaral at kasalukuyang naghahanap na ng trabaho. Ito na dito na magsisimula. Nong nakaraan friday the 13th ng setyembre lumuwas ako sa Manila,para magreport sa aking opisinang pinagtratrabahuhan. Umaga pa lang halos magkatext na kami at yon nga magkikita daw kami. Nong bandang tanghali nagkita nga kami at dinala ko sya sa aming apartment. Doon kami nagkwentuhan ng kung ano ano. OO! kami lang dalawa doon. Tapos nong sinabi nya na may dahilan daw ang kanyang paglalayas at pag-iinum minsan ng sobra. Doon ko sya pinilit na magkwento tungkol doon. Ganito pagkakasabi nya. "Ginagapang kasi ako ng Tito ko." GAPANG? Hala!! OO Gapang nga ang narinig ko. Isang taxi driver daw ang kanyang tito at kapag umuuwi ito ay madaling araw na. Dahil nga ang layo ng kwarto nya na sabi nya ay nasa pinakadulo ng bahay ng tita nya. Sabi nya pa sa akin noon,kung bakit umalis ang nauna na nyang pinsan na tumuloy din dati kela tito at tita nya,dahil yong pinsan nya ang unang biktima kaya naman ng itoy makagraduate ng kolehiyo ay umalis agad sa poder ng tito nila. At ngayon sya na ang natira,sa kanya naman lumipat ang tito nya sa imoral na gawain. GAPANG? nagigising na lang daw sya minsan na nsa kama nya sa tito nya at yakap yakap ang katawan nya. Try nyang sumigaw pero wala rin nagawa dahil pinagtakpan sya ng tito nya. Kaya ayon paulit ulit na nangyari at halos tatlong taon na itong ginagawa sa kanya ng tito nya. Tinanong ko sya kung sinabi na nya sa magulang nya,ang sabi nya OO. Sinabi nya sa nanay nya pero hindi daw ito nakinig. Ayaw nya naman sabihin sa tatay nya dahil alam nyang mapusok ang tatay nya at hindi maipapaliwanag kung anong pwedeng gawin ng tatay nya pag nalaman iyon. Kaya dahil don paulit ulit ang pagsasamantala ng kanyang tito sa kanya. At lalong sumama kasi yong nakakabata nyang kapatid eh kasama na rin nya sa bahay ng mga tito nila para mag-aral rin ng kolehiyo. At kapag hindi sya nakakauwi ng gabi ay ang kanyang nakakabatang kapatid ang nagiging biktima. Lalong gumulo kaya kahit gusto na nyang umalis sa bahay na iyo ay hindi nya magawa dahil maiiwan ang kanyang nakababatang kapatid. Bakit kaya may mga ganoong tao? Pagkatapos ng mga ilang linggo nagtext kami at yon! Sinabi nya sa akin na nakalipat na daw sila,kumuha daw ng boarding house na malapit sa school ng kapatid nya at doon sila lumipat. Hindi ko alam pero sa pagkakasabi nyang iyon,parang okay na ang lahat. Pero pano yon? Ganon ganon na lang nga ba? Hindi natin alam kong ano talaga nararamdaman nila.

Biyernes, Setyembre 6, 2013

Hello! Magandang gabi,katapos ko lang taposin pag-edit ng page ko. Sa palagay nyo ok na ba? :)
Sa totoo lang sira ang araw ko ngayon,kasalanan agad nagawa ko ng umaga tapos hintay ako ng hintay ng text nya. Alam mo yon? Yong nakakabagot na nakakainis! Tapos ngayong gabi itong mouse naman na gamit ko. Scroll ako ng scroll pero hindi naman gumagana,alam mo yon? KAINIS. Palagay ko sa tulog na kakauwian nito.
Bagong profile pic.